12O Panginoon ng mga Hukbo, nalalaman po ninyo kung sino ang matuwid sapagkat alam ninyo ang nasa puso at isip ng tao. Ipakita po ninyo sa akin ang inyong paghihiganti sa kanila sapagkat ipinaubaya ko na po sa inyo ang usaping ito.
13Panginoon, magpupuri at aawit po ako sa inyo ngayon sapagkat iniligtas ninyo ang mga nangangailangan mula sa kamay ng masasamang tao.
14Ngunit isinusumpa ko ang araw na akoʼy isinilang! Hindi ko ikinagagalak ang araw na ipinanganak ako ng aking ina!
15Isinusumpa ko ang nagbalita sa aking ama na, “Lalaki ang anak mo!” na siyang ikinagalak ng aking ama.
16Nawa ang taong iyon ay maging katulad ng mga bayang winasak ng Panginoon at hindi kinahabagan. Nawaʼy maghapon niyang mapakinggan ang sigaw at daing ng mga tao sa digmaan.