12Ito ang sinasabi ng Panginoon sa iyo, angkan ni David: ‘Pairalin ninyo palagi ang katarungan. Tulungan ninyo ang mga ninakawan; iligtas ninyo sila sa mga umaapi sa kanila. Sapagkat kung hindi, magniningas ang aking galit na parang apoy na hindi mapapatay dahil sa masama ninyong ginawa.
13Kalaban ko kayo, mga taga-Jerusalem, kayong nakatira sa ibabaw ng lambak, sa mabatong talampas, sabi ng Panginoon. Sabi ninyo, “Walang makakasalakay sa atin. Walang makakapasok sa kanlungan nating ito!”
14Ngunit parurusahan ko kayo ayon sa mga ginagawa ninyo. Susunugin ko ang inyong mga kagubatan hanggang sa ang lahat ng nakapalibot sa inyo ay matupok,’ ” wika ng Panginoon.