Jeremias 21

At ikaw, Haring Zedequias ng Juda, ang mga tagapamahala mo, at ang mga mamamayang natitira sa lungsod na ito na hindi namatay sa salot, digmaan, o gutom ay ibibigay ko kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia na kaaway ninyo. At walang awa niya kayong papatayin,’ ” sabi ng Panginoon.

Jeremiah 21:7 (UKJV) And afterward, says the LORD, I will deliver Zedekiah king of Judah, and his servants, and the people, and such as are left in this city from the pestilence, from the sword, and from the famine, into the hand of Nebuchadrezzar king of Babylon, and into the hand of their enemies, and into the hand of those that seek their life: and he shall strike them with the edge of the sword; he shall not spare them, neither have pity, nor have mercy.

5Ako mismo ang makikipaglaban sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ko dahil sa matindi kong galit.

6Papatayin ko ang lahat ng naninirahan sa lungsod na ito, tao man o hayop. Mamamatay sila sa matinding salot.

7At ikaw, Haring Zedequias ng Juda, ang mga tagapamahala mo, at ang mga mamamayang natitira sa lungsod na ito na hindi namatay sa salot, digmaan, o gutom ay ibibigay ko kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia na kaaway ninyo. At walang awa niya kayong papatayin,’ ” sabi ng Panginoon.

8“Sabihin din ninyo sa mga mamamayan ng Jerusalem na ito ang ipinasasabi ng Panginoon: ‘Makinig kayo! Pumili kayo, buhay o kamatayan.

9Ang sinumang mananatili sa lungsod na ito ay mamamatay sa digmaan, gutom o sakit. Ngunit ang mga susuko sa mga taga-Babilonia na nakapalibot sa lungsod ninyo ay mabubuhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.