7At ikaw, Haring Zedequias ng Juda, ang mga tagapamahala mo, at ang mga mamamayang natitira sa lungsod na ito na hindi namatay sa salot, digmaan, o gutom ay ibibigay ko kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia na kaaway ninyo. At walang awa niya kayong papatayin,’ ” sabi ng Panginoon.
8“Sabihin din ninyo sa mga mamamayan ng Jerusalem na ito ang ipinasasabi ng Panginoon: ‘Makinig kayo! Pumili kayo, buhay o kamatayan.
9Ang sinumang mananatili sa lungsod na ito ay mamamatay sa digmaan, gutom o sakit. Ngunit ang mga susuko sa mga taga-Babilonia na nakapalibot sa lungsod ninyo ay mabubuhay.
10Nakapagpasya na akong padalhan ng kapahamakan ang lungsod na ito at hindi kabutihan. Ipapasakop ko ito sa hari ng Babilonia, at susunugin niya ito,’ ” sabi ng Panginoon.
11“Sabihin din ninyo sa sambahayan ng hari ng Juda na pakinggan ang mensahe ng Panginoon.