23Kayong mga nakatira sa palasyo ng Jerusalem na gawa sa kahoy na sedro mula sa Lebanon, kahabag-habag kayo kapag dumating na sa inyo ang paghihirap, na parang babaeng naghihirap sa panganganak.
24“Habang akoʼy nabubuhay,” sabi ng Panginoon, “itatakwil kita haring Jehoyakin ng Juda na anak ni Jehoiakim. Kahit na ikaw ay singsing sa aking kanang kamay, tatanggalin kita sa aking daliri.
25Ibibigay kita sa mga nais pumatay sa iyo na kinatatakutan mo. Ibibigay kita kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sa mga kawal niya.
26Ikaw at ang iyong ina ay ipapatapon ko sa ibang bansa at doon kayo mamamatay.
27At hindi na kayo makakabalik sa lupaing ninanais nʼyong balikan.