Jeremias 22

At hindi na kayo makakabalik sa lupaing ninanais nʼyong balikan.

Jeremiah 22:27 (UKJV) But to the land unto which they desire to return, thither shall they not return.

25Ibibigay kita sa mga nais pumatay sa iyo na kinatatakutan mo. Ibibigay kita kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sa mga kawal niya.

26Ikaw at ang iyong ina ay ipapatapon ko sa ibang bansa at doon kayo mamamatay.

27At hindi na kayo makakabalik sa lupaing ninanais nʼyong balikan.

28Jehoyakin, para kang basag na palayok na hindi na mapapakinabangan. Kaya itatapon ko kayo ng mga anak mo sa bansang hindi ninyo alam.”

29O lupain ng Juda, pakinggan mo ang salita ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.