6Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa palasyo ng hari ng Juda: “Para sa akin, ikaʼy kasingganda ng Gilead o ng tuktok ng bundok ng Lebanon. Ngunit gagawin kitang parang disyerto, na tulad ng isang bayan na walang naninirahan.
7Magpapadala ako ng mga taong wawasak sa iyo. Ang bawat isa sa kanilaʼy magdadala ng mga gamit na panggiba. Puputulin nila ang iyong mga haliging sedro at ihahagis sa apoy.
8“Ang mga taong galing sa ibaʼt ibang bansa na dadaan sa lungsod na ito ay magtatanungan, ‘Bakit kaya ginawa ito ng Panginoon sa dakilang lungsod na ito?’
9At ito ang isasagot sa kanila, ‘Dahil itinakwil nila ang kasunduan nila sa Panginoon na kanilang Diyos, at sumamba sila at naglingkod sa mga diyos-diyosan.’ ”
10Huwag kayong umiyak sa pagpanaw ni Haring Josias. Sa halip, umiyak kayo nang lubos para sa anak niyang si Jehoahaz na pumalit sa kanya bilang hari ng Juda. Sapagkat binihag siya at hindi na siya makakabalik pa. Kaya hindi na niya makikita pang muli ang lupaing ito na kanyang sinilangan.