4Kung susundin nʼyo ang mga utos kong ito, mananatiling maghahari sa Jerusalem ang angkan ni David. Ang hari, kasama ng kanyang mga pinuno at mga mamamayan ay paparada na nakasakay sa mga karwahe at kabayo na papasok sa pintuan ng palasyo.
5Ngunit kung hindi nʼyo susundin ang mga utos kong ito, sabi ng Panginoon, isinusumpa ko sa aking sarili na mawawasak ang palasyong ito.’ ”
6Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa palasyo ng hari ng Juda: “Para sa akin, ikaʼy kasingganda ng Gilead o ng tuktok ng bundok ng Lebanon. Ngunit gagawin kitang parang disyerto, na tulad ng isang bayan na walang naninirahan.
7Magpapadala ako ng mga taong wawasak sa iyo. Ang bawat isa sa kanilaʼy magdadala ng mga gamit na panggiba. Puputulin nila ang iyong mga haliging sedro at ihahagis sa apoy.
8“Ang mga taong galing sa ibaʼt ibang bansa na dadaan sa lungsod na ito ay magtatanungan, ‘Bakit kaya ginawa ito ng Panginoon sa dakilang lungsod na ito?’