20Hindi mawawala ang galit ng Panginoon hanggaʼt hindi niya nagagawa ang balak niyang gawin. At sa huling araw, lubos ninyong mauunawaan ito.
21Hindi ko sinugo ang mga propetang iyan, pero lumakad pa rin sila. Wala akong sinabi sa kanila, pero nagsalita pa rin sila.
22Ngunit kung alam lang nila kung ano ang nasa isip ko, sinabi sana nila ang mga salita ko sa aking mga mamamayan, upang talikuran ang masasama nilang pag-uugali at baluktot na gawain.
23“Ako ay Diyos na nasa lahat ng dako, at hindi sa iisang lugar lamang,” sabi ng Panginoon.
24“Sino ang makapagtatago sa akin sa lihim na lugar? Hindi baʼt akoʼy nasa lahat ng sulok ng langit at lupa?” sabi ng Panginoon.