Jeremias 24

Ang mga igos sa isang basket ay sariwa at maganda, hinog, at bagong pitas. Ngunit ang mga igos naman sa isang basket ay mga bulok at hindi na makain.

Jeremiah 24:2 (UKJV) One basket had very good figs, even like the figs that are first ripe: and the other basket had very naughty figs, which could not be eaten, they were so bad.

1May ipinakitang pangitain sa akin ang Panginoon pagkatapos bihagin ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia si Haring Jehoyakin ng Juda na anak ni Jehoiakim. Si Jehoyakin ay dinala sa Babilonia pati ang mga pinuno niya at ang mahuhusay na panday at manggagawa ng Jerusalem. Sa pangitain ko, nakita ko ang dalawang basket na igos na nasa harap ng templo ng Panginoon.

2Ang mga igos sa isang basket ay sariwa at maganda, hinog, at bagong pitas. Ngunit ang mga igos naman sa isang basket ay mga bulok at hindi na makain.

3Pagkatapos, nagtanong sa akin ang Panginoon, “Jeremias, ano ang nakita mo?” Sumagot ako, “Mga igos po. Ang ibaʼy maganda at sariwa, pero ang iba ay bulok at hindi na makain.”

4Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.