1May ipinakitang pangitain sa akin ang Panginoon pagkatapos bihagin ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia si Haring Jehoyakin ng Juda na anak ni Jehoiakim. Si Jehoyakin ay dinala sa Babilonia pati ang mga pinuno niya at ang mahuhusay na panday at manggagawa ng Jerusalem. Sa pangitain ko, nakita ko ang dalawang basket na igos na nasa harap ng templo ng Panginoon.
2Ang mga igos sa isang basket ay sariwa at maganda, hinog, at bagong pitas. Ngunit ang mga igos naman sa isang basket ay mga bulok at hindi na makain.
3Pagkatapos, nagtanong sa akin ang Panginoon, “Jeremias, ano ang nakita mo?” Sumagot ako, “Mga igos po. Ang ibaʼy maganda at sariwa, pero ang iba ay bulok at hindi na makain.”
4Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon:
5“Ito ang sinasabi Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Ituturing kong parang magagandang igos ang mga taga-Juda na ipinabihag ko sa mga taga-Babilonia.