3Pagkatapos, nagtanong sa akin ang Panginoon, “Jeremias, ano ang nakita mo?” Sumagot ako, “Mga igos po. Ang ibaʼy maganda at sariwa, pero ang iba ay bulok at hindi na makain.”
4Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon:
5“Ito ang sinasabi Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Ituturing kong parang magagandang igos ang mga taga-Juda na ipinabihag ko sa mga taga-Babilonia.
6Iingatan ko sila upang maging mabuti ang kalagayan nila at ibabalik ko sila sa lupaing ito. Muli ko silang itatayo at hindi na lilipulin. Patatatagin ko sila at hindi na bubunutin.
7Bibigyan ko sila ng pusong kikilala sa akin na ako ang Panginoon. Magiging mamamayan ko sila, at akoʼy magiging kanilang Diyos, dahil magbabalik-loob na sila sa akin nang taos-puso.