Jeremias 24

Iingatan ko sila upang maging mabuti ang kalagayan nila at ibabalik ko sila sa lupaing ito. Muli ko silang itatayo at hindi na lilipulin. Patatatagin ko sila at hindi na bubunutin.

Jeremiah 24:6 (UKJV) For I will set mine eyes upon them for good, and I will bring them again to this land: and I will build them, and not pull them down; and I will plant them, and not pluck them up.

4Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon:

5“Ito ang sinasabi Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Ituturing kong parang magagandang igos ang mga taga-Juda na ipinabihag ko sa mga taga-Babilonia.

6Iingatan ko sila upang maging mabuti ang kalagayan nila at ibabalik ko sila sa lupaing ito. Muli ko silang itatayo at hindi na lilipulin. Patatatagin ko sila at hindi na bubunutin.

7Bibigyan ko sila ng pusong kikilala sa akin na ako ang Panginoon. Magiging mamamayan ko sila, at akoʼy magiging kanilang Diyos, dahil magbabalik-loob na sila sa akin nang taos-puso.

8“ ‘Ngunit si Haring Zedequias ng Juda ay ituturing kong parang bulok na igos na hindi na makakain,’ sabi ng Panginoon, pati ang kanyang mga pinuno at ang lahat ng Israelitang natitirang buháy sa Jerusalem o sa Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.