Jeremias 24

Bibigyan ko sila ng pusong kikilala sa akin na ako ang Panginoon. Magiging mamamayan ko sila, at akoʼy magiging kanilang Diyos, dahil magbabalik-loob na sila sa akin nang taos-puso.

Jeremiah 24:7 (UKJV) And I will give them an heart to know me, that I am the LORD: and they shall be my people, and I will be their God: for they shall return unto me with their whole heart.

5“Ito ang sinasabi Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Ituturing kong parang magagandang igos ang mga taga-Juda na ipinabihag ko sa mga taga-Babilonia.

6Iingatan ko sila upang maging mabuti ang kalagayan nila at ibabalik ko sila sa lupaing ito. Muli ko silang itatayo at hindi na lilipulin. Patatatagin ko sila at hindi na bubunutin.

7Bibigyan ko sila ng pusong kikilala sa akin na ako ang Panginoon. Magiging mamamayan ko sila, at akoʼy magiging kanilang Diyos, dahil magbabalik-loob na sila sa akin nang taos-puso.

8“ ‘Ngunit si Haring Zedequias ng Juda ay ituturing kong parang bulok na igos na hindi na makakain,’ sabi ng Panginoon, pati ang kanyang mga pinuno at ang lahat ng Israelitang natitirang buháy sa Jerusalem o sa Ehipto.

9Gagawin ko silang kasuklam-suklam sa lahat ng kaharian sa buong mundo. Kukutyain at susumpain sila sa lahat ng bansa kung saan ko sila ikakalat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.