Jeremias 25

Magiging tiwangwang ang lupaing ito. Ang bansang ito at ang mga bansa sa palibot ay maglilingkod sa hari ng Babilonia sa loob ng pitumpung taon.

Jeremiah 25:11 (UKJV) And this whole land shall be a desolation, and an astonishment; and these nations shall serve the king of Babylon seventy years.

9ipapasalakay ko kayo sa mga sundalong galing sa hilaga na pinangungunahan ng lingkod kong si Haring Nebucadnezar ng Babilonia,” sabi ng Panginoon. “Lulusubin niya ang lupaing ito at ang mga mamamayan nito, pati ang lahat ng bansa sa palibot nito. Lilipulin ko kayo nang lubusan, at masisindak ang mga tao sa sinapit ninyo, at kukutyain kayo ng iba dahil mananatili kayong giba habang panahon.

10Maglalaho ang kasiyahan at katuwaan, ang pagdiriwang ng bagong kasal na binata at dalaga, ang tunog ng gilingan at ang liwanag ng lampara.

11Magiging tiwangwang ang lupaing ito. Ang bansang ito at ang mga bansa sa palibot ay maglilingkod sa hari ng Babilonia sa loob ng pitumpung taon.

12“Ngunit pagkatapos ng pitumpung taon, parurusahan ko rin ang hari ng Babilonia pati ang mga mamamayan niya dahil sa mga kasalanan nila,” sabi ng Panginoon. “At gagawin ko ring tiwangwang ang kanilang lupain sa habang panahon.

13Ipapadama ko sa kanilang bansa ang lahat ng sinabi ko laban sa kanila at sa iba pang mga bansa ayon sa sinabi ni Jeremias na nakasulat sa aklat na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.