Jeremias 25

Ipapadama ko sa kanilang bansa ang lahat ng sinabi ko laban sa kanila at sa iba pang mga bansa ayon sa sinabi ni Jeremias na nakasulat sa aklat na ito.

Jeremiah 25:13 (UKJV) And I will bring upon that land all my words which I have pronounced against it, even all that is written in this book, which Jeremiah has prophesied against all the nations.

11Magiging tiwangwang ang lupaing ito. Ang bansang ito at ang mga bansa sa palibot ay maglilingkod sa hari ng Babilonia sa loob ng pitumpung taon.

12“Ngunit pagkatapos ng pitumpung taon, parurusahan ko rin ang hari ng Babilonia pati ang mga mamamayan niya dahil sa mga kasalanan nila,” sabi ng Panginoon. “At gagawin ko ring tiwangwang ang kanilang lupain sa habang panahon.

13Ipapadama ko sa kanilang bansa ang lahat ng sinabi ko laban sa kanila at sa iba pang mga bansa ayon sa sinabi ni Jeremias na nakasulat sa aklat na ito.

14Aalipinin sila ng maraming bansa at ng mga makapangyarihang hari. Parurusahan ko sila ayon sa mga ginawa nila.”

15Sinabi sa akin ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, “Kunin mo sa kamay ko ang tasang puno ng galit ko at ipainom mo sa lahat ng bansa na pagsusuguan ko sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.