Jeremias 25

“Ngunit pagkatapos ng pitumpung taon, parurusahan ko rin ang hari ng Babilonia pati ang mga mamamayan niya dahil sa mga kasalanan nila,” sabi ng Panginoon. “At gagawin ko ring tiwangwang ang kanilang lupain sa habang panahon.

Jeremiah 25:12 (UKJV) And it shall come to pass, when seventy years are accomplished, that I will punish the king of Babylon, and that nation, says the LORD, for their iniquity, and the land of the Chaldeans, and will make it perpetual desolations.

10Maglalaho ang kasiyahan at katuwaan, ang pagdiriwang ng bagong kasal na binata at dalaga, ang tunog ng gilingan at ang liwanag ng lampara.

11Magiging tiwangwang ang lupaing ito. Ang bansang ito at ang mga bansa sa palibot ay maglilingkod sa hari ng Babilonia sa loob ng pitumpung taon.

12“Ngunit pagkatapos ng pitumpung taon, parurusahan ko rin ang hari ng Babilonia pati ang mga mamamayan niya dahil sa mga kasalanan nila,” sabi ng Panginoon. “At gagawin ko ring tiwangwang ang kanilang lupain sa habang panahon.

13Ipapadama ko sa kanilang bansa ang lahat ng sinabi ko laban sa kanila at sa iba pang mga bansa ayon sa sinabi ni Jeremias na nakasulat sa aklat na ito.

14Aalipinin sila ng maraming bansa at ng mga makapangyarihang hari. Parurusahan ko sila ayon sa mga ginawa nila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.