Jeremias 25

Sa loob ng dalawampuʼt tatlong taon mula nang ikalabintatlong taon ng paghahari ni Josias na anak ni Haring Amon ng Juda hanggang ngayon, ang Panginoon ay nakikipag-usap sa akin. At patuloy ko namang sinasabi sa inyo ang ipinasasabi niya, pero hindi kayo nakinig.

Jeremiah 25:3 (UKJV) From the thirteenth year of Josiah the son of Amon king of Judah, even unto this day, that is the three and twentieth year, the word of the LORD has come unto me, and I have spoken unto you, rising early and speaking; but all of you have not hearkened.

1Ang mensaheng ito ay para sa mga taga-Juda. Itoʼy ibinigay ng Panginoon kay Jeremias noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Haring Josias ng Juda. Ito naman ang unang taon ng paghahari ni Nebucadnezar sa Babilonia.

2Sinabi ni propeta Jeremias sa lahat ng taga-Juda at sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem:

3Sa loob ng dalawampuʼt tatlong taon mula nang ikalabintatlong taon ng paghahari ni Josias na anak ni Haring Amon ng Juda hanggang ngayon, ang Panginoon ay nakikipag-usap sa akin. At patuloy ko namang sinasabi sa inyo ang ipinasasabi niya, pero hindi kayo nakinig.

4At kahit na patuloy pang nagpapadala sa inyo ang Panginoon ng mga lingkod niyang propeta, hindi nʼyo pa rin pinansin at hindi rin kayo nakinig.

5Sinabi ng Panginoon sa pamamagitan nila, “Talikuran na ninyo ang mga masasama ninyong pag-uugali at gawain upang patuloy kayong manirahan magpakailanman sa lupaing ito na ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.