Jeremias 25

Sinabi ng Panginoon sa pamamagitan nila, “Talikuran na ninyo ang mga masasama ninyong pag-uugali at gawain upang patuloy kayong manirahan magpakailanman sa lupaing ito na ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.

Jeremiah 25:5 (UKJV) They said, Turn all of you again now every one from his evil way, and from the evil of your doings, and dwell in the land that the LORD has given unto you and to your fathers for ever and ever:

3Sa loob ng dalawampuʼt tatlong taon mula nang ikalabintatlong taon ng paghahari ni Josias na anak ni Haring Amon ng Juda hanggang ngayon, ang Panginoon ay nakikipag-usap sa akin. At patuloy ko namang sinasabi sa inyo ang ipinasasabi niya, pero hindi kayo nakinig.

4At kahit na patuloy pang nagpapadala sa inyo ang Panginoon ng mga lingkod niyang propeta, hindi nʼyo pa rin pinansin at hindi rin kayo nakinig.

5Sinabi ng Panginoon sa pamamagitan nila, “Talikuran na ninyo ang mga masasama ninyong pag-uugali at gawain upang patuloy kayong manirahan magpakailanman sa lupaing ito na ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.

6Huwag kayong sasamba at maglilingkod sa mga diyos, at huwag ninyo akong gagalitin sa pamamagitan ng mga diyos-diyosan na ginawa lang ninyo, upang hindi ko kayo parusahan.”

7Ngunit hindi kayo nakinig sa Panginoon. Lalo nʼyo pa nga siyang ginalit sa pamamagitan ng mga ginawa nʼyong diyos-diyosan. Kaya kayo na rin ang nagdala ng parusang ito sa sarili ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.