10Nang marinig ito ng mga pinuno ng Juda, pumunta sila sa templo. Umupo sila sa dinadaanan sa Bagong Pintuan ng Templo ng Panginoon upang humatol.
11Sinabi ng mga pari at mga propeta sa mga pinuno at sa lahat ng naroroon, “Dapat hatulan ng kamatayan ang taong ito dahil nagsalita siya laban sa lungsod na ito. Narinig mismo ninyo ang kanyang sinabi.”
12Sinabi naman ni Jeremias sa lahat ng pinuno at sa lahat ng tao na naroroon, “Isinugo ako ng Panginoon upang magsalita ng laban sa templo at sa lungsod na ito katulad ng narinig ninyo.
13Kaya baguhin nʼyo na ang inyong pag-uugali at pamumuhay, at sundin ninyo ang sinasabi ng Panginoon. Sapagkat kung ito ang gagawin ninyo, hindi na itutuloy ng Panginoon ang ipinahayag niyang kapahamakan laban sa inyo.
14At tungkol naman sa akin, wala akong magagawa. Gawin ninyo sa akin kung ano ang mabuti at matuwid sa inyong paningin.