Jeremias 26

Kaya baguhin nʼyo na ang inyong pag-uugali at pamumuhay, at sundin ninyo ang sinasabi ng Panginoon. Sapagkat kung ito ang gagawin ninyo, hindi na itutuloy ng Panginoon ang ipinahayag niyang kapahamakan laban sa inyo.

Jeremiah 26:13 (UKJV) Therefore now amend your ways and your doings, and obey the voice of the LORD your God; and the LORD will repent him of the evil that he has pronounced against you.

11Sinabi ng mga pari at mga propeta sa mga pinuno at sa lahat ng naroroon, “Dapat hatulan ng kamatayan ang taong ito dahil nagsalita siya laban sa lungsod na ito. Narinig mismo ninyo ang kanyang sinabi.”

12Sinabi naman ni Jeremias sa lahat ng pinuno at sa lahat ng tao na naroroon, “Isinugo ako ng Panginoon upang magsalita ng laban sa templo at sa lungsod na ito katulad ng narinig ninyo.

13Kaya baguhin nʼyo na ang inyong pag-uugali at pamumuhay, at sundin ninyo ang sinasabi ng Panginoon. Sapagkat kung ito ang gagawin ninyo, hindi na itutuloy ng Panginoon ang ipinahayag niyang kapahamakan laban sa inyo.

14At tungkol naman sa akin, wala akong magagawa. Gawin ninyo sa akin kung ano ang mabuti at matuwid sa inyong paningin.

15Ngunit tandaan ninyo ito: kung papatayin ninyo ako, mananagot kayo at ang mga mamamayan sa lungsod na ito dahil sa pagpatay nʼyo sa taong walang kasalanan. Sapagkat totoong sinugo ako ng Panginoon para sabihin sa inyo ang lahat ng narinig nʼyo ngayon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.