Jeremias 26

Sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon: Kung hindi kayo maniniwala sa akin at ayaw ninyong sundin ang mga utos na ibinigay ko sa inyo,

Jeremiah 26:4 (UKJV) And you shall say unto them, Thus says the LORD; If all of you will not hearken to me, to walk in my law, which I have set before you,

2“Ito ang sinabi ng Panginoon: Tumayo ka sa bulwagan ng aking templo at magsalita ka sa mga mamamayan ng mga bayan ng Juda na naroon upang sumamba. Sabihin mo sa kanila ang lahat ng ipinapasabi ko at huwag mong babawasan.

3Baka sakaling makinig sila sa iyo at tumalikod sa masama nilang pag-uugali. Kapag ginawa nila ito, hindi ko na itutuloy ang kaparusahang pinaplano ko sa kanila dahil sa masasamang ginagawa nila.

4Sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon: Kung hindi kayo maniniwala sa akin at ayaw ninyong sundin ang mga utos na ibinigay ko sa inyo,

5at kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ng mga lingkod kong propeta na palagi kong sinusugo sa inyo,

6gigibain ko ang templong ito katulad ng ginawa ko sa Silo. At susumpain ang lungsod na ito ng lahat ng bansa sa buong mundo!’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.