Jeremias 26

gigibain ko ang templong ito katulad ng ginawa ko sa Silo. At susumpain ang lungsod na ito ng lahat ng bansa sa buong mundo!’ ”

Jeremiah 26:6 (UKJV) Then will I make this house like Shiloh, and will make this city a curse to all the nations of the earth.

4Sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon: Kung hindi kayo maniniwala sa akin at ayaw ninyong sundin ang mga utos na ibinigay ko sa inyo,

5at kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ng mga lingkod kong propeta na palagi kong sinusugo sa inyo,

6gigibain ko ang templong ito katulad ng ginawa ko sa Silo. At susumpain ang lungsod na ito ng lahat ng bansa sa buong mundo!’ ”

7Narinig ng mga pari, mga propeta, at ng lahat ng tao na nasa templo ng Panginoon ang sinabing ito ni Jeremias.

8Pagkatapos niya itong sabihin, pinalibutan siya ng mga pari, mga propeta at mga tao, at sinabihan, “Dapat kang mamatay!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.