7Narinig ng mga pari, mga propeta, at ng lahat ng tao na nasa templo ng Panginoon ang sinabing ito ni Jeremias.
8Pagkatapos niya itong sabihin, pinalibutan siya ng mga pari, mga propeta at mga tao, at sinabihan, “Dapat kang mamatay!
9Bakit mo sinabi sa pangalan ng Panginoon na ang templong itoʼy gigibain katulad ng Silo, at ang lungsod na itoʼy magiging tiwangwang at wala nang maninirahan?” Kaya dinakip nila si Jeremias sa Templo ng Panginoon.
10Nang marinig ito ng mga pinuno ng Juda, pumunta sila sa templo. Umupo sila sa dinadaanan sa Bagong Pintuan ng Templo ng Panginoon upang humatol.
11Sinabi ng mga pari at mga propeta sa mga pinuno at sa lahat ng naroroon, “Dapat hatulan ng kamatayan ang taong ito dahil nagsalita siya laban sa lungsod na ito. Narinig mismo ninyo ang kanyang sinabi.”