9Ngunit ang propetang magsasabi ng kapayapaan ay dapat mapatunayan. Kung mangyayari ang sinasabi niyang kapayapaan, kikilalanin siyang tunay na propeta ng Panginoon.”
10Pagkatapos, kinuha ni Propeta Hananias ang pamatok sa leeg ni Jeremias at kanyang binali.
11At sinabi ni Propeta Hananias sa mga taong naroroon, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ang mga bansang sinakop ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ay parang nilagyan niya ng pamatok. Ngunit sisirain ko ang pamatok na iyon sa loob ng dalawang taon.” Pagkatapos, umalis si Propeta Jeremias.
12Hindi nagtagal, pagkatapos baliin ni Propeta Hananias ang pamatok sa leeg ni Jeremias, sinabi ng Panginoon kay Jeremias,
13“Puntahan mo si Hananias at sabihin mo na ito ang sinasabi Panginoon: Binali mo ang pamatok na kahoy ngunit papalitan ko iyan ng pamatok na bakal.