11At sinabi ni Propeta Hananias sa mga taong naroroon, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ang mga bansang sinakop ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ay parang nilagyan niya ng pamatok. Ngunit sisirain ko ang pamatok na iyon sa loob ng dalawang taon.” Pagkatapos, umalis si Propeta Jeremias.
12Hindi nagtagal, pagkatapos baliin ni Propeta Hananias ang pamatok sa leeg ni Jeremias, sinabi ng Panginoon kay Jeremias,
13“Puntahan mo si Hananias at sabihin mo na ito ang sinasabi Panginoon: Binali mo ang pamatok na kahoy ngunit papalitan ko iyan ng pamatok na bakal.
14Ako, ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel ay nagsasabing: Ipapapasan ko ang pamatok na bakal sa lahat ng bansa, upang maglingkod sila kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Pati ang mababangis na hayop ay ipapasakop ko sa pamamahala niya.”
15Pagkatapos, sinabi ni Propeta Jeremias kay propeta Hananias, “Hananias, makinig ka! Hindi ka sinugo ng Panginoon, pero pinapaniwala mo ang bansang ito sa kasinungalingan mo.