1Noong taon ding iyon, nang ikalimang buwan ng ikaapat na taon ng paghahari ni Zedequias sa Juda, may sinabi sa akin si propeta Hananias na anak ni Azur na taga-Gibeon doon sa templo ng Panginoon, sa harap ng mga pari at mga taong naroroon. Sinabi niya,
2“Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Wawakasan ko na ang kapangyarihan ng hari ng Babilonia.
3Sa loob ng dalawang taon, ibabalik ko na rito ang lahat ng kagamitan sa Templo ng Panginoon na kinuha ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia.
4Pababalikin ko rin dito si Haring Jehoyakin ng Juda na anak ni Jehoiakim at ang lahat ng taga-Juda na binihag sa Babilonia, dahil wawakasan ko na ang kapangyarihan ng hari ng Babilonia. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”