Jeremias 29

Ito ang sinasabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo: ‘Padadalhan ko sila ng digmaan, taggutom at sakit. Matutulad sila sa bulok na igos na hindi na makakain.

Jeremiah 29:17 (UKJV) Thus says the LORD of hosts; Behold, I will send upon them the sword, the famine, and the pestilence, and will make them like vile figs, that cannot be eaten, they are so evil.

15“Baka sabihin ninyong nagsugo ang Panginoon sa inyo ng mga propeta diyan sa Babilonia,

16pero ito ang sinabi ng Panginoon tungkol sa haring nagmula sa angkan ni David at sa lahat ng kababayan ninyo na naiwan sa lungsod ng Jerusalem na hindi nabihag kasama ninyo:

17Ito ang sinasabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo: ‘Padadalhan ko sila ng digmaan, taggutom at sakit. Matutulad sila sa bulok na igos na hindi na makakain.

18Talagang hahabulin sila ng digmaan, taggutom at sakit, at kasusuklaman sila ng lahat ng kaharian. Itataboy ko sila sa kung saan-saang bansa, at susumpain, kasusuklaman at kukutyain sila roon ng mga tao.

19Sapagkat hindi nila pinakinggan ang mga salita ng Panginoon na palaging sinasabi sa kanila ng mga lingkod na propeta. At pati kayong mga binihag ay hindi rin naniwala.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.