17Ito ang sinasabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo: ‘Padadalhan ko sila ng digmaan, taggutom at sakit. Matutulad sila sa bulok na igos na hindi na makakain.
18Talagang hahabulin sila ng digmaan, taggutom at sakit, at kasusuklaman sila ng lahat ng kaharian. Itataboy ko sila sa kung saan-saang bansa, at susumpain, kasusuklaman at kukutyain sila roon ng mga tao.
19Sapagkat hindi nila pinakinggan ang mga salita ng Panginoon na palaging sinasabi sa kanila ng mga lingkod na propeta. At pati kayong mga binihag ay hindi rin naniwala.’
20“Kaya makinig kayo sa sinasabi ng Panginoon, kayong mga ipinabihag niya mula sa Jerusalem papunta sa Babilonia.
21Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, tungkol kina Ahab na anak ni Kolaias at Zedequias na anak ni Maasias, ‘Nagsalita sa inyo ng kasinungalingan ang mga taong ito sa pangalan ko. Kaya ibibigay ko sila kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sila ay ipapapatay niya sa harap mismo ninyo.