Jeremias 29

Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, tungkol kina Ahab na anak ni Kolaias at Zedequias na anak ni Maasias, ‘Nagsalita sa inyo ng kasinungalingan ang mga taong ito sa pangalan ko. Kaya ibibigay ko sila kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sila ay ipapapatay niya sa harap mismo ninyo.

Jeremiah 29:21 (UKJV) Thus says the LORD of hosts, the God of Israel, of Ahab the son of Kolaiah, and of Zedekiah the son of Maaseiah, which prophesy a lie unto you in my name; Behold, I will deliver them into the hand of Nebuchadrezzar king of Babylon; and he shall slay them before your eyes;

19Sapagkat hindi nila pinakinggan ang mga salita ng Panginoon na palaging sinasabi sa kanila ng mga lingkod na propeta. At pati kayong mga binihag ay hindi rin naniwala.’

20“Kaya makinig kayo sa sinasabi ng Panginoon, kayong mga ipinabihag niya mula sa Jerusalem papunta sa Babilonia.

21Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, tungkol kina Ahab na anak ni Kolaias at Zedequias na anak ni Maasias, ‘Nagsalita sa inyo ng kasinungalingan ang mga taong ito sa pangalan ko. Kaya ibibigay ko sila kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sila ay ipapapatay niya sa harap mismo ninyo.

22Dahil sa kanila, ang lahat ng bihag sa Babilonia na mga taga-Juda ay susumpa ng ganito sa kapwa nila, “Nawaʼy patayin ka ng Panginoon katulad nina Zedequias at Ahab na sinunog nang buhay ng hari ng Babilonia.”

23Mangyayari ito sa kanila dahil gumawa sila ng mga kasuklam-suklam na bagay sa Israel. Nangalunya sila sa asawa ng kapwa nila at nagsalita ng kasinungalingan sa pangalan ko na hindi ko iniutos na gawin nila. Nalalaman ko ang mga ginawa nila at makapagpapatunay ako laban sa kanila,’ sabi ng Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.