4“Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, sa lahat ng taga-Jerusalem na ipinabihag niya sa Babilonia:
5‘Magtayo kayo ng mga bahay at doon kayo tumira. Magtanim kayo at kumain ng inyong ani.
6Mag-asawa kayo at nang magkaanak kayo. Hayaan din ninyong mag-asawa ang mga anak nʼyo at nang magkaanak din sila upang dumami kayo nang dumami.
7Tumulong kayo para sa kabutihan at kaunlaran ng lungsod na pinagdalhan sa inyo. Ipanalangin ninyo ito sa Panginoon dahil kapag umunlad ito, uunlad din kayo.’
8“Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel: ‘Huwag kayong palilinlang sa mga propeta ninyo o sa mga kasama ninyong manghuhula. Huwag kayong maniniwala sa mga panaginip nila.