Jeremias 29

Tumulong kayo para sa kabutihan at kaunlaran ng lungsod na pinagdalhan sa inyo. Ipanalangin ninyo ito sa Panginoon dahil kapag umunlad ito, uunlad din kayo.’

Jeremiah 29:7 (UKJV) And seek the peace of the city where I have caused you to be carried away captives, and pray unto the LORD for it: for in the peace thereof shall all of you have peace.

5‘Magtayo kayo ng mga bahay at doon kayo tumira. Magtanim kayo at kumain ng inyong ani.

6Mag-asawa kayo at nang magkaanak kayo. Hayaan din ninyong mag-asawa ang mga anak nʼyo at nang magkaanak din sila upang dumami kayo nang dumami.

7Tumulong kayo para sa kabutihan at kaunlaran ng lungsod na pinagdalhan sa inyo. Ipanalangin ninyo ito sa Panginoon dahil kapag umunlad ito, uunlad din kayo.’

8“Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel: ‘Huwag kayong palilinlang sa mga propeta ninyo o sa mga kasama ninyong manghuhula. Huwag kayong maniniwala sa mga panaginip nila.

9Sapagkat nagpropesiya sila ng kasinungalingan sa pangalan ko. Hindi ko sila sinugo,’ sabi ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.