1“Kung ang isang babae ay hiniwalayan ng kanyang asawa at ang babaeng ito ay mag-asawang muli, hindi na siya dapat bawiin ng kanyang unang asawa, dahil magpaparumi ito nang lubos sa inyong lupain. Kayong mga taga-Israel ay namumuhay na tulad ng isang babaeng bayaran. Marami kayong minamahal na mga diyos-diyosan. Sa kabila ng lahat ng ito, tatawagin ko pa rin kayo na magbalik sa akin.” Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
2“Tingnan ninyo ang matataas na lugar kung saan kayo sumasamba sa inyong mga diyos-diyosan. May mga lugar pa ba roon na hindi ninyo dinungisan? Pinarumi ninyo ang lupain dahil sa kasamaan ninyo. Para kayong babaeng bayaran na nakaupo sa tabi ng daan at naghihintay ng lalaki. Tulad din kayo ng isang mapagsamantalang tao na naghihintay ng kanyang mabibiktima sa ilang.
3Iyan ang dahilan kung bakit hindi umuulan sa panahon ng tag-ulan. Ngunit sa kabila nito, matigas pa rin ang iyong ulo gaya ng babaeng bayaran na hindi na nahihiya.
4At ngayon sinasabi ninyo sa akin, ‘Ama ko, kayo po ay kasama ko mula noong bata pa ako.