Jeremias 30

Ngunit gagamutin at pagagalingin ko ang inyong mga sugat kahit na sinasabi ng iba na kayong mga taga-Jerusalem ay itinakwil at pinabayaan,” sabi ng Panginoon.

Jeremiah 30:17 (UKJV) For I will restore health unto you, and I will heal you of your wounds, says the LORD; because they called you an Outcast, saying, This is Zion, whom no man seeks after.

15Huwag kayong dadaing na hindi na gumagaling ang sugat ninyo. Pinarusahan ko kayo dahil napakatindi at napakarami ng inyong kasalanan.

16“Ngunit ipapahamak ko rin ang lahat ng magpapahamak sa inyo, at ang lahat ng inyong kaaway ay bibihagin. Sasalakayin din ang lahat ng sumalakay sa inyo at sumamsam ng mga ari-arian ninyo, at sasamsamin din ang mga ari-arian nila.

17Ngunit gagamutin at pagagalingin ko ang inyong mga sugat kahit na sinasabi ng iba na kayong mga taga-Jerusalem ay itinakwil at pinabayaan,” sabi ng Panginoon.

18Sinabi pa ng Panginoon: “Muli kong ibabalik ang kayamanan ng mga lungsod ng lahi ni Jacob at kahahabagan ko sila. Ang lungsod at ang palasyo na winasak ay muling itatayo sa nararapat na lugar nito.

19Pagkatapos, aawit sila ng pasasalamat at sisigaw sa kagalakan. Pararamihin at pararangalan ko sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.