Jeremias 30

Sinabi pa ng Panginoon: “Muli kong ibabalik ang kayamanan ng mga lungsod ng lahi ni Jacob at kahahabagan ko sila. Ang lungsod at ang palasyo na winasak ay muling itatayo sa nararapat na lugar nito.

Jeremiah 30:18 (UKJV) Thus says the LORD; Behold, I will bring again the captivity of Jacob's tents, and have mercy on his dwelling places; and the city shall be built upon her own heap, and the palace shall remain after the manner thereof.

16“Ngunit ipapahamak ko rin ang lahat ng magpapahamak sa inyo, at ang lahat ng inyong kaaway ay bibihagin. Sasalakayin din ang lahat ng sumalakay sa inyo at sumamsam ng mga ari-arian ninyo, at sasamsamin din ang mga ari-arian nila.

17Ngunit gagamutin at pagagalingin ko ang inyong mga sugat kahit na sinasabi ng iba na kayong mga taga-Jerusalem ay itinakwil at pinabayaan,” sabi ng Panginoon.

18Sinabi pa ng Panginoon: “Muli kong ibabalik ang kayamanan ng mga lungsod ng lahi ni Jacob at kahahabagan ko sila. Ang lungsod at ang palasyo na winasak ay muling itatayo sa nararapat na lugar nito.

19Pagkatapos, aawit sila ng pasasalamat at sisigaw sa kagalakan. Pararamihin at pararangalan ko sila.

20Magiging maunlad ang kanilang mga anak katulad noong una. Patatatagin ko sila sa harap ko, at paparusahan ko ang sinumang mang-aapi sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.