Jeremias 31

Pupunta sila sa Bundok ng Zion at sisigaw dahil sa kagalakan. Magsasaya sila dahil sa mga pagpapala ng Panginoon sa kanila. Magiging sagana ang mga trigo, ang bagong alak, langis at mga hayop nila. Silaʼy matutulad sa halamanang palaging dinidiligan at hindi na sila muling magdadalamhati.

Jeremiah 31:12 (UKJV) Therefore they shall come and sing in the height of Zion, and shall flow together to the goodness of the LORD, for wheat, and for wine, and for oil, and for the young of the flock and of the herd: and their soul shall be as a watered garden; and they shall not sorrow any more at all.

10“Mga bansa, pakinggan ninyo ang mensahe ng Panginoon; at ibalita ninyo ito sa malalayong lugar: ‘Ikinalat ko ang mga taga-Israel, pero muli ko silang titipunin at aalagaan ko sila katulad ng pag-aalaga ng pastol sa kanyang kawan ng tupa.’

11Sapagkat ililigtas ng Panginoon ang mga lahi ni Jacob sa kamay ng mga taong higit na makapangyarihan kaysa sa kanila.

12Pupunta sila sa Bundok ng Zion at sisigaw dahil sa kagalakan. Magsasaya sila dahil sa mga pagpapala ng Panginoon sa kanila. Magiging sagana ang mga trigo, ang bagong alak, langis at mga hayop nila. Silaʼy matutulad sa halamanang palaging dinidiligan at hindi na sila muling magdadalamhati.

13Kung magkagayon, ang kanilang mga dalagaʼt binata pati ang matatanda ay sasayaw sa tuwa. Papalitan ko ng kagalakan ang pag-iiyakan nila. At sa halip na magdalamhati sila, bibigyan ko sila ng kaaliwan.

14Bibigyan ko ng maraming handog ang mga pari. Bubusugin ko ng masaganang pagpapala ang aking mga mamamayan,” sabi ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.