Jeremias 31

Ngunit sinabi ng Panginoon: “Huwag ka nang umiyak dahil gagantimpalaan kita sa mga ginawa mo. Babalik ang mga anak mo galing sa lupain ng mga kaaway.

Jeremiah 31:16 (UKJV) Thus says the LORD; Refrain your voice from weeping, and yours eyes from tears: for your work shall be rewarded, says the LORD; and they shall come again from the land of the enemy.

14Bibigyan ko ng maraming handog ang mga pari. Bubusugin ko ng masaganang pagpapala ang aking mga mamamayan,” sabi ng Panginoon.

15Sinabi pa ng Panginoon: “May narinig na tinig sa Rama, tumatangis at nananaghoy, iniiyakan ni Raquel ang kanyang mga anak, at ayaw niyang magpaaliw, dahil silaʼy pumanaw na.”

16Ngunit sinabi ng Panginoon: “Huwag ka nang umiyak dahil gagantimpalaan kita sa mga ginawa mo. Babalik ang mga anak mo galing sa lupain ng mga kaaway.

17Kaya may pag-asa ka sa hinaharap,” sabi ng Panginoon. “Sapagkat talagang babalik ang mga anak mo sa sarili nilang lupain.”

18Narinig ko ang panaghoy ng mga taga-Efraim. Sinabi nila, “Panginoon, kami po ay parang mga guya na hindi pa sanay sa pamatok, pero tinuruan nʼyo po kaming sumunod sa inyo. Kayo ang Panginoon naming Diyos, kaya ibalik na po ninyo kami sa sarili naming lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.