Jeremias 31

Noong una ay winasak, giniba, at ibinuwal ko sila pero sa bandang huli, muli ko silang ibabangon at itatayo,” sabi ng Panginoon.

Jeremiah 31:28 (UKJV) And it shall come to pass, that like I have watched over them, to pluck up, and to break down, and to throw down, and to destroy, and to afflict; so will I watch over them, to build, and to plant, says the LORD.

26“Sa aking paggising naramdaman kong nakabuti sa akin ang aking pagtulog.

27“Darating ang araw,” sabi ng Panginoon, “na pararamihin ko ang mga mamamayan ng Israel at Juda, pati ang mga hayop nila.

28Noong una ay winasak, giniba, at ibinuwal ko sila pero sa bandang huli, muli ko silang ibabangon at itatayo,” sabi ng Panginoon.

29“Sa panahong iyoʼy hindi na sasabihin ng mga tao, ‘Kumain ng maasim na ubas ang mga magulang at ang asim ay nalasahan ng mga anak.’

30Sa halip, kung sino ang kumain ng maasim na ubas, siya lang ang makakalasa ng asim nito. Ang taong nagkasala lang ang siyang mamamatay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.