Jeremias 31

Noong una, ang Panginoon ay nagpakita sa mga Israelita at nagsabi: “Inibig ko kayo ng pag-ibig na walang hanggan. Sa aking kagandahang-loob, pinalapit ko kayo sa akin.

Jeremiah 31:3 (UKJV) The LORD has appeared of old unto me, saying, Yea, I have loved you with an everlasting love: therefore with loving kindness have I drawn you.

1Sinabi pa ng Panginoon, “Sa araw na iyon, akoʼy magiging Diyos ng buong angkan ng Israel at magiging hinirang ko sila.”

2Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Aalagaan ko ang mga natirang buháy sa kanila mula sa digmaan habang silaʼy naglalakbay sa ilang. Magbabalik ako upang bigyan ng kapahingahan ang Israel.”

3Noong una, ang Panginoon ay nagpakita sa mga Israelita at nagsabi: “Inibig ko kayo ng pag-ibig na walang hanggan. Sa aking kagandahang-loob, pinalapit ko kayo sa akin.

4Muli ko kayong itatayo, kayong mga taga-Israel, na katulad ng isang birhen. Muli kayong sasayaw sa tuwa sa saliw ng inyong tamburin.

5Muli kayong magtatanim ng ubas sa mga burol ng Samaria at pakikinabangan ninyo ang mga bunga nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.