2Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Aalagaan ko ang mga natirang buháy sa kanila mula sa digmaan habang silaʼy naglalakbay sa ilang. Magbabalik ako upang bigyan ng kapahingahan ang Israel.”
3Noong una, ang Panginoon ay nagpakita sa mga Israelita at nagsabi: “Inibig ko kayo ng pag-ibig na walang hanggan. Sa aking kagandahang-loob, pinalapit ko kayo sa akin.
4Muli ko kayong itatayo, kayong mga taga-Israel, na katulad ng isang birhen. Muli kayong sasayaw sa tuwa sa saliw ng inyong tamburin.
5Muli kayong magtatanim ng ubas sa mga burol ng Samaria at pakikinabangan ninyo ang mga bunga nito.
6Darating ang araw na ang mga nagbabantay ng lungsod ay sisigaw doon sa kabundukan ng Efraim, ‘Halikayo, pumunta tayo sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon na ating Diyos.’ ”