Jeremias 31

Darating ang araw na ang mga nagbabantay ng lungsod ay sisigaw doon sa kabundukan ng Efraim, ‘Halikayo, pumunta tayo sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon na ating Diyos.’ ”

Jeremiah 31:6 (UKJV) For there shall be a day, that the watchmen upon the mount Ephraim shall cry, Arise all of you, and let us go up to Zion unto the LORD our God.

4Muli ko kayong itatayo, kayong mga taga-Israel, na katulad ng isang birhen. Muli kayong sasayaw sa tuwa sa saliw ng inyong tamburin.

5Muli kayong magtatanim ng ubas sa mga burol ng Samaria at pakikinabangan ninyo ang mga bunga nito.

6Darating ang araw na ang mga nagbabantay ng lungsod ay sisigaw doon sa kabundukan ng Efraim, ‘Halikayo, pumunta tayo sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon na ating Diyos.’ ”

7Ito ang sinabi ng Panginoon: “Sumigaw kayo sa tuwa para sa Israel, ang bansang pinakadakila sa lahat ng bansa. Magpuri kayo at sumigaw, ‘O Panginoon, iligtas mo ang iyong mga mamamayan, ang mga natitirang buhay sa mga taga-Israel.’

8Makinig kayo! Ako ang kukuha sa kanila at titipunin ko sila mula sa hilaga at sa alinmang bahagi ng mundo. Pati ang mga bulag at mga lumpo ay kasama, ganoon din ang mga buntis at ang mga malapit nang manganak. Napakalaking grupo ang uuwi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.