Jeremias 31

Makinig kayo! Ako ang kukuha sa kanila at titipunin ko sila mula sa hilaga at sa alinmang bahagi ng mundo. Pati ang mga bulag at mga lumpo ay kasama, ganoon din ang mga buntis at ang mga malapit nang manganak. Napakalaking grupo ang uuwi.

Jeremiah 31:8 (UKJV) Behold, I will bring them from the north country, and gather them from the coasts of the earth, and with them the blind and the lame, the woman with child and her that labors with child together: a great company shall return thither.

6Darating ang araw na ang mga nagbabantay ng lungsod ay sisigaw doon sa kabundukan ng Efraim, ‘Halikayo, pumunta tayo sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon na ating Diyos.’ ”

7Ito ang sinabi ng Panginoon: “Sumigaw kayo sa tuwa para sa Israel, ang bansang pinakadakila sa lahat ng bansa. Magpuri kayo at sumigaw, ‘O Panginoon, iligtas mo ang iyong mga mamamayan, ang mga natitirang buhay sa mga taga-Israel.’

8Makinig kayo! Ako ang kukuha sa kanila at titipunin ko sila mula sa hilaga at sa alinmang bahagi ng mundo. Pati ang mga bulag at mga lumpo ay kasama, ganoon din ang mga buntis at ang mga malapit nang manganak. Napakalaking grupo ang uuwi.

9Mag-iiyakan sila sa tuwa at mananalangin habang dinadala ko sila pauwi. Dadalhin ko sila sa mga bukal, dadaan sila sa magandang daan at hindi sila matitisod. Sapagkat ako ang ama ng Israel; at si Efraim ang panganay kong anak.

10“Mga bansa, pakinggan ninyo ang mensahe ng Panginoon; at ibalita ninyo ito sa malalayong lugar: ‘Ikinalat ko ang mga taga-Israel, pero muli ko silang titipunin at aalagaan ko sila katulad ng pag-aalaga ng pastol sa kanyang kawan ng tupa.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.