Jeremias 31

Ito ang sinabi ng Panginoon: “Sumigaw kayo sa tuwa para sa Israel, ang bansang pinakadakila sa lahat ng bansa. Magpuri kayo at sumigaw, ‘O Panginoon, iligtas mo ang iyong mga mamamayan, ang mga natitirang buhay sa mga taga-Israel.’

Jeremiah 31:7 (UKJV) For thus says the LORD; Sing with gladness for Jacob, and shout among the chief of the nations: publish all of you, praise all of you, and say, O LORD, save your people, the remnant of Israel.

5Muli kayong magtatanim ng ubas sa mga burol ng Samaria at pakikinabangan ninyo ang mga bunga nito.

6Darating ang araw na ang mga nagbabantay ng lungsod ay sisigaw doon sa kabundukan ng Efraim, ‘Halikayo, pumunta tayo sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon na ating Diyos.’ ”

7Ito ang sinabi ng Panginoon: “Sumigaw kayo sa tuwa para sa Israel, ang bansang pinakadakila sa lahat ng bansa. Magpuri kayo at sumigaw, ‘O Panginoon, iligtas mo ang iyong mga mamamayan, ang mga natitirang buhay sa mga taga-Israel.’

8Makinig kayo! Ako ang kukuha sa kanila at titipunin ko sila mula sa hilaga at sa alinmang bahagi ng mundo. Pati ang mga bulag at mga lumpo ay kasama, ganoon din ang mga buntis at ang mga malapit nang manganak. Napakalaking grupo ang uuwi.

9Mag-iiyakan sila sa tuwa at mananalangin habang dinadala ko sila pauwi. Dadalhin ko sila sa mga bukal, dadaan sila sa magandang daan at hindi sila matitisod. Sapagkat ako ang ama ng Israel; at si Efraim ang panganay kong anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.