Jeremias 31

Sinabi pa ng Panginoon, “Sa araw na iyon, akoʼy magiging Diyos ng buong angkan ng Israel at magiging hinirang ko sila.”

Jeremiah 31:1 (UKJV) At the same time, says the LORD, will I be the God of all the families of Israel, and they shall be my people.

1Sinabi pa ng Panginoon, “Sa araw na iyon, akoʼy magiging Diyos ng buong angkan ng Israel at magiging hinirang ko sila.”

2Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Aalagaan ko ang mga natirang buháy sa kanila mula sa digmaan habang silaʼy naglalakbay sa ilang. Magbabalik ako upang bigyan ng kapahingahan ang Israel.”

3Noong una, ang Panginoon ay nagpakita sa mga Israelita at nagsabi: “Inibig ko kayo ng pag-ibig na walang hanggan. Sa aking kagandahang-loob, pinalapit ko kayo sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.