31Sinabi pa ng Panginoon, “Darating ang panahon na gagawa ako ng bagong kasunduan sa mga taga-Israel at taga-Juda.
32At hindi ito katulad ng unang kasunduan na ginawa ko sa kanilang mga ninuno noong pinatnubayan ko sila sa paglabas sa Ehipto. Kahit na akoʼy parang asawa nila, hindi nila tinupad ang una naming kasunduan,” sabi ng Panginoon.
33“Ito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa mga mamamayan ng Israel pagdating ng araw na iyon,” sabi ng Panginoon. “Itatanim ko sa kanilang isipan ang aking kautusan, at isusulat ko ito sa mga puso nila.
34Hindi na nila kailangan pang turuan ang mga kababayan o kapatid nila na kilalanin ang Panginoon. Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaan at kakalimutan ko na ang kanilang mga kasalanan,” sabi ng Panginoon.
35Sinabi pa ng Panginoon, “Ako ang nag-utos sa araw upang magbigay-liwanag sa maghapon, at sa buwan at mga bituin na magbigay-liwanag sa magdamag. At ako ang kumakalawkaw ng dagat hanggang sa umugong ang mga alon. Makapangyarihang Panginoon ang aking pangalan.