Jeremias 31

Sinabi pa ng Panginoon, “Ako ang nag-utos sa araw upang magbigay-liwanag sa maghapon, at sa buwan at mga bituin na magbigay-liwanag sa magdamag. At ako ang kumakalawkaw ng dagat hanggang sa umugong ang mga alon. Makapangyarihang Panginoon ang aking pangalan.

Jeremiah 31:35 (UKJV) Thus says the LORD, which gives the sun for a light by day, and the ordinances of the moon and of the stars for a light by night, which divides the sea when the waves thereof roar; The LORD of hosts is his name:

33“Ito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa mga mamamayan ng Israel pagdating ng araw na iyon,” sabi ng Panginoon. “Itatanim ko sa kanilang isipan ang aking kautusan, at isusulat ko ito sa mga puso nila.

34Hindi na nila kailangan pang turuan ang mga kababayan o kapatid nila na kilalanin ang Panginoon. Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaan at kakalimutan ko na ang kanilang mga kasalanan,” sabi ng Panginoon.

35Sinabi pa ng Panginoon, “Ako ang nag-utos sa araw upang magbigay-liwanag sa maghapon, at sa buwan at mga bituin na magbigay-liwanag sa magdamag. At ako ang kumakalawkaw ng dagat hanggang sa umugong ang mga alon. Makapangyarihang Panginoon ang aking pangalan.

36Habang nananatili ang langit at ang mundo, mananatili rin ang bansang Israel magpakailanman.”

37Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Kung paanong hindi masusukat ang langit at hindi malalaman ang pundasyon ng lupa, ganoon din naman, hindi ko maitatakwil ang lahat ng angkan ng Israel kahit na marami silang nagawang kasalanan,” sabi ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.