34Hindi na nila kailangan pang turuan ang mga kababayan o kapatid nila na kilalanin ang Panginoon. Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaan at kakalimutan ko na ang kanilang mga kasalanan,” sabi ng Panginoon.
35Sinabi pa ng Panginoon, “Ako ang nag-utos sa araw upang magbigay-liwanag sa maghapon, at sa buwan at mga bituin na magbigay-liwanag sa magdamag. At ako ang kumakalawkaw ng dagat hanggang sa umugong ang mga alon. Makapangyarihang Panginoon ang aking pangalan.
36Habang nananatili ang langit at ang mundo, mananatili rin ang bansang Israel magpakailanman.”
37Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Kung paanong hindi masusukat ang langit at hindi malalaman ang pundasyon ng lupa, ganoon din naman, hindi ko maitatakwil ang lahat ng angkan ng Israel kahit na marami silang nagawang kasalanan,” sabi ng Panginoon.
38Patuloy na sinabi ng Panginoon, “Darating ang panahon na ang lungsod ng Jerusalem ay muling itatayo mula sa Tore ni Hananel hanggang sa Panulukang Pintuan.