Jeremias 32

Ito ang mensaheng sinabi ng Panginoon kay Jeremias noong ikasampung taon ng paghahari ni Zedequias sa Juda, na ikalabingwalong taon naman ng paghahari ni Nebucadnezar sa Babilonia.

Jeremiah 32:1 (UKJV) The word that came to Jeremiah from the LORD in the tenth year of Zedekiah king of Judah, which was the eighteenth year of Nebuchadrezzar.

1Ito ang mensaheng sinabi ng Panginoon kay Jeremias noong ikasampung taon ng paghahari ni Zedequias sa Juda, na ikalabingwalong taon naman ng paghahari ni Nebucadnezar sa Babilonia.

2Nang panahong iyon, sinasalakay ng mga sundalo ng Babilonia ang Jerusalem, at si Propeta Jeremias ay nakakulong sa bilangguan sa himpilan ng mga guwardiya sa palasyo ng hari ng Juda.

3Ikinulong siya roon ni Haring Zedequias na hari ng Juda dahil sa kanyang ipinahayag. Sapagkat sinasabi ni Jeremias, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ibibigay ko ang lungsod na ito sa hari ng Babilonia at sasakupin niya ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.