Jeremias 32

Nang panahong iyon, sinasalakay ng mga sundalo ng Babilonia ang Jerusalem, at si Propeta Jeremias ay nakakulong sa bilangguan sa himpilan ng mga guwardiya sa palasyo ng hari ng Juda.

Jeremiah 32:2 (UKJV) For then the king of Babylon's army besieged Jerusalem: and Jeremiah the prophet was shut up in the court of the prison, which was in the king of Judah's house.

1Ito ang mensaheng sinabi ng Panginoon kay Jeremias noong ikasampung taon ng paghahari ni Zedequias sa Juda, na ikalabingwalong taon naman ng paghahari ni Nebucadnezar sa Babilonia.

2Nang panahong iyon, sinasalakay ng mga sundalo ng Babilonia ang Jerusalem, at si Propeta Jeremias ay nakakulong sa bilangguan sa himpilan ng mga guwardiya sa palasyo ng hari ng Juda.

3Ikinulong siya roon ni Haring Zedequias na hari ng Juda dahil sa kanyang ipinahayag. Sapagkat sinasabi ni Jeremias, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ibibigay ko ang lungsod na ito sa hari ng Babilonia at sasakupin niya ito.

4Si Zedequias na hari ng Juda ay mabibihag ng mga taga-Babilonia at siyaʼy dadalhin sa hari ng Babilonia. Kakausapin niya ito nang harapan at magkikita sila nang mukha sa mukha.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.