Jeremias 32

Ikinulong siya roon ni Haring Zedequias na hari ng Juda dahil sa kanyang ipinahayag. Sapagkat sinasabi ni Jeremias, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ibibigay ko ang lungsod na ito sa hari ng Babilonia at sasakupin niya ito.

Jeremiah 32:3 (UKJV) For Zedekiah king of Judah had shut him up, saying, Wherefore do you prophesy, and say, Thus says the LORD, Behold, I will give this city into the hand of the king of Babylon, and he shall take it;

1Ito ang mensaheng sinabi ng Panginoon kay Jeremias noong ikasampung taon ng paghahari ni Zedequias sa Juda, na ikalabingwalong taon naman ng paghahari ni Nebucadnezar sa Babilonia.

2Nang panahong iyon, sinasalakay ng mga sundalo ng Babilonia ang Jerusalem, at si Propeta Jeremias ay nakakulong sa bilangguan sa himpilan ng mga guwardiya sa palasyo ng hari ng Juda.

3Ikinulong siya roon ni Haring Zedequias na hari ng Juda dahil sa kanyang ipinahayag. Sapagkat sinasabi ni Jeremias, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ibibigay ko ang lungsod na ito sa hari ng Babilonia at sasakupin niya ito.

4Si Zedequias na hari ng Juda ay mabibihag ng mga taga-Babilonia at siyaʼy dadalhin sa hari ng Babilonia. Kakausapin niya ito nang harapan at magkikita sila nang mukha sa mukha.

5Dadalhin ko si Zedequias sa Babilonia at mananatili siya roon hanggang sa matapos ang pagpaparusa sa kanya. Lumaban man kayo sa mga taga-Babilonia, hindi rin kayo magtatagumpay. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.